Monday, November 18, 2013

Paano ba Mag Move-on?

Paano ba magmove-on?
Ano ba? Mag-aala-una na ng madaling araw,
Dilat pa din ang mga mata ko
Pagod naman ako pero malikot talaga ang isip ko…
May naaalala na naman kasi ako
Ano ba? Paano ba mag-move on?
Iuntog ko kaya ang ulo ko?
Ay ayoko nun…
Sayang naman ang inaral kong physics at algebra
Sayang naman ang pangalan kong makakalimutan ko lang…
Sayang naman ang pagbabasa ko ng mga Republic Acts pala…
Ah, idaan ko kaya sa gamot?
Kaso la naman atang gamot para dito, o meron ba pero di ko lang alam?
O kung wala man, dapat may gumawa na nyan…
Sigurado ako kahit magpustahan pa tayo, bebenta talaga yan
Ang alak nga, di naman talaga nakakahilom, pinapatos na lang ng tao,
Para sa kunwa-kunwariang lakas ng loob,
Para sa panandaliang paglimot… Di ba?
Pero seryoso ako, gawin na talaga ang gamot na yan…
Tiyak pagkakaguluhan yan at dadayuhin
Kaliwa’t kanan ang mag-oorder nyan,
Mapapagod ang mga magmamanufacture at nagdi-deliver
Yayaman ang chemist, pharmacist at doctor…
Sa dami ba naman ng mga bigo at sawi sa mundo…
Kaso matagal pa ata yun…
Hay sige, patusin ko na lang muna kung anong meron dito…
Kilala mo ba si Edgar Dale?
Maigoogle nga ulit para di lang pang facebook ang silbi ng wi-fi…
Ayon sa kanyang Cone of Experience,
People generally remember 70% of what they say and write
At ang outcome na yun ang nagbigay ng pundasyon sa cone
Kasi dun daw we, “analyze, define, create and evaluate.”
Nandun ang effective learning. Eureka!
Kaso, may sad news din dun sa cone.
Sabi din dun, people generally remember only 10% of what they read…
Ganun!? 10% lang ng mga pinagsusulat ko dito ang maalala nya
Kalungkot naman, pero teka lang, may karugtong pa pala ang teorya nya…
Kung naranasan daw ng tao through direct purposeful experience,
Maaalala nya yun, 90%! Sana maalala din nya So paano na ulit mag-move on?
Di ko pa din alam eh…
Ang alam ko lang, hindi yun pinipilit kaya papalitan ko na lang ang salita
Kung di ko pa carry yan, eh di go on na lang…
Dahil di tumitigil ang pag-ikot ng mundo
Kaya dapat tuloy pa din ang buhay! 
Go on, aja, eureka, good night este good morning pala! 

2 comments:

  1. Paano ba mag-move on? I-hashtag na ito! Hihihihi. Parang kanta ni Sarah G na Ikot-ikot Lang. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha, Kaya nga I-hashtag na! Marami tayong makakarelate... Yup, go on lang, ikot-ikot lang... Salamat!

      Delete

Followers