Ating binuksan noon
Sa hindi man sabay na pagkakataon
Ngayon ay ating sasarhan
At di na muling babalikan
Ang luhang paulit-ulit na pumatak
Ay bahagi lamang ng ating katapusan
Lahat ay nasaktan na
Kaya kung sa pamamaalam
May mga pusong hihilum
Yayakapin ko ang paglimot
At walang bakas ng kahit anong alaala
Ang sa aki'y matitira
Hanggang sa ikaw ay di ko na kilala...
sa Mambukal, Negros Occidental |
sa Subic Bay, Olongapo |
No comments:
Post a Comment